Unti-unting pagkabuhay ng Pilipinas at Pilipino
Buhay na buhay na ang Pilipinas at ang Pilipino. (PNoy, 2011)
"Itigil na po natin ang paghihilahan pababa. Ang dating industriya ng pintasan na hindi natin maitakwil, iwaksi na po natin. Tuldukan na po natin ang pagiging utak-alimango; puwede bang iangat naman natin ang magaganda nating nagawa?"
Sa simula nang sinalaysay ni Pangulong Noynoy ang kanyang SONA, akala ko ay puro pambabatikos sa nakaraang administrasyon ang kanya agad sasabihin. Ngunit nagkamali ako, at ang salitang "wang-wang" ang paulit-ulit niyang nabanggit. Siguro ang nais ipahiwatig ni Noynoy sa Wang wang na sistema ng pamahalaan at ng bansa ay ang pag-iisip sa sarili ng bawat Pilipino, ang pagiging madamot, ang hindi pagiging patas at ang hindi pag-iisip na tayo ay may iisa lamang bansa, lahi at dugo at bawat isa ay may sariling paninindigan para iangat ang bansang Pilipinas at pagandahin ang kinabukasan ng mga susunod na Pilipino. Bukod sa "wang-wang" na patuloy niyang idinidiin, kapansin-pansin naman na puno ng puso ang lahat ng kanyang sinabi kaya naman, nailahad niya ng maayos at mabuti ang talumpati niya para sa taong bayan (e.g., gumamit ng komportableng linggwahe at salita). Isa pa, direkta niyang nilahad lahat ng mga progreso at positibong mga pangyayari habang siya ay namumuno. Kahit hindi kapansin-pansin dahil sa natural nating ugaling reklamador, marami na rin namang nagawa si PNoy para sa sariling bayan. Ang mga nilahad niyang mga bagay na nagawa niyang solusyon sa korupsyon o mga bagay na negatibo sa ating bansa. Pinagtuunan din niya ng pansin ang mga baho na nagaganap sa iba't ibang sulok ng pamahalaan at paano niya ito nasolusyunan, ang pagbabawas ng Hunger rate sa ating bansa, ang problema sa patubig, kuryente, yung sa DPWH at ilan pa at ang pagsagip sa mga ito. Nabanggit din ang paparating na mga capability upgrade at modernization na mga kagamitan ng ating Sandatahang Lakas at ang issue ng sarili nating atin na sa tingin ko ay ipinaglalaban talaga ang Spratlys sabi nga niya "Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas". Kasama na rin ang pagbabawas niyang pagbabatikos sa nakaraang administrasyon at nilahad ang tamang kaugalian ng mga Pilipino na dapat nating ilabas at ipakita. Tulad ng pasasalamat na minsan ay natitimbangan pa ng pangungutya at reklamo.
Kahit na ganoon man, kulang pa rin sa substance ang mga naipahayag ni PNoy. Natural lang naman na sabihin niya ang ilang progreso na meron sa pamahalaan at ang positbong pag-iisip tungo sa ikagaganda ng bayan. Ngunit hindi niya nabanggit ang ilang issue tulad ng: RH Bill na nagpasalamat siya sa mga pinuno ng simbahan na hindi natin alam kung nagkaintindihan sila o hindi, Divorce Bill, yung K+12 na edukasyon at ilan pang issue na walang sapat na kalinawan. Ngunit kahit ganoon, nilinaw pa rin ng presidente na unti-unti, umaangat ang ating ekonomiya. Kita rin sa bawat salita niya ang pride at honor niya bilang president ng ating bansa.
Personal talaga sa akin ang paggawa ng tama, at ang pagpapanagot sa mga gumagawa ng mali--sino man sila. Ang pahayag na ito ni PNoy ang nagpapatunay kung gaano kahalaga sa kanya ang pagiging presidente na ginagawa niya lahat ng mga dapat gawin hindi dahil trabaho niya ito kungdi, personal sa kanya ito at may malaking pagnanais siyang matugunan ang lahat ng ating nais, matama lahat ng mali at umunlad ang bansang Pilipinas. Binuhay niya ang kaugalian ng pasasalamat. Tayong mga Pilipino, wala na tayong ginawa kundi tuligsain, kontrahin at magreklamo sa ating Pinuno. Simula pa lamang, lubog na tayo at wala man lang kahit sinong pinuno ang binigyan natin ng pagkakataon upang ipakita ang pagnanais sa pagbabago. Hindi man lang natin maibigay ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng naglilingkod sa atin. Hindi porke't may Presidente tayo na handang gawin ang lahat para sa tamang landas, hindi ibig sabihin niyon ay iiaasa na natin sa kanya ang lahat. Tayo mismo ay tutulong din, sa atin mismo magsisimula ang pagbabago. Kung si PNoy ay sinusubukan ang lahat ng kanyang makakaya para itahak tayo sa tamang daan, baguhin ang masamang kaugalian na nakasanayan at paunlarin ang bansang Pilipinas; ikaw ba, ano na ang nagawa mo para sa ating bansa?
Comments
Post a Comment