Matalik na kaibigan

This is my best friend and me. Obviously, mas mataba talaga siya sakin. HAHA! Jk. 

Mahirap talaga makahanap at makatagpo ng isang klase ng kaibigan na totoo. Yung may pure na pagmamahal, pure na pagtitiwala at pure na masasandigan mo. Siya, kahit na nagkalayo kami ng halos tatlong taon, siya pa rin ang maituturing kong matalik na kaibigan. Ganito kasi, nagkakilala kami nung first year high school.. tapos, naging close na kamin non, tapos napahiwalay ako sa kanya nung 2nd year kasi napalipat ako ng section. Pero, andun pa rin siya sa tabi ko at best friends pa rin. Nang dumating ang 3rd year high school at tuluyan na siyang nawala at lumipat ng ibang school. Pero pag minsan, nadalaw naman siya sa school namin nun at sa bahay na rin naman kaya tuloy pa rin ang lalim ng pagkakaibigan. Ant ngayong 2nd year college na kami, iisa lang ang pinapasukan naming school, kahit magkaiba ang course, tinatry ko pa rin i-revive ang anuman nawala samin at ipagpatuloy ang pagiging magkapatid namin relasyon. 

Siguro, marami rin naman akong kaibigan. Madaldal kasi ako eh. Pero sa daming yun, hindi ko masasabi na lahat sila, katiwa-tiwala. Konti lang sakanila ang masasabi kong totoong kaibigan. Pero yung best friend kong yan, di ko yan ipagpapalit saanman o sinuman kasi sa kanya ko unang naramdaman na may taong nagpapahalaga sa akin kahit hindi ako kadugo. Sa kanya, komportable ako at alam ko kayang kaya ko siyang sandalan sa anumang bagyong dumating sa akin. Siya yung klase ng tao na handang makipag digma kasama ako at siya yung klase ng tao na katiwa tiwala at tapat saiyo. Payo ko sainyo, maghanap kayo ng ganyan at hindi kayo magiging miserable. xD

Comments

Popular posts from this blog

Day by day, I am becoming convinced that we are living in the future.

Book Review: Past Heaven by Laura Ward