Kapag minsan talaga, kinakain ko na lang lahat ng sinasabi ko. Mahirap e. Di lang siguro ako ang ganito. Pero.... Anyway... Kanina sa bayan, nagmamadali akong umuwi, nakapayong, naglalakad, mabigat ang aking bag, kagagaling lang sa simbahan. Nung nasa may tapat nako ng Mcdonald's may truck na lalabas, di magkaigi at kasi naman, maya't maya may nadaang sasakyan, kalsada yon eh. Urong sulong siya.. Di ba kapag dadaan ka at may nakikita kang ganyang sasakyan - yung urong sulong, di mo alam kung dadaan ka na ba o hintayin mo na lang na makadaan o makalabas siya. E ako nga ay nagmamadali, ayon, sumugod ako sa likod nung truck, muntikan nakong maatrasan, nagmala flash ako at tumalon. As in nung dadaan ako, biglang urong yung truck, tumalon ako don sa pataas ng konti na semento at nagtatakbo para di ako maipit. Tapos tsaka pa sumigaw si koya ng "sandali lang!" at pinukpok yung likod ng trak. Nahuli siya ng reaction, dire diretso ako kasi akala ko talaga maiipit na ako. L...