Urong sulong na truck, ako si Flash

Kapag minsan talaga, kinakain ko na lang lahat ng sinasabi ko. Mahirap e. Di lang siguro ako ang ganito. Pero....

Anyway...

Kanina sa bayan, nagmamadali akong umuwi, nakapayong, naglalakad, mabigat ang aking bag, kagagaling lang sa simbahan. Nung nasa may tapat nako ng Mcdonald's may truck na lalabas, di magkaigi at kasi naman, maya't maya may nadaang sasakyan, kalsada yon eh. Urong sulong siya.. Di ba kapag dadaan ka at may nakikita kang ganyang sasakyan - yung urong sulong, di mo alam kung dadaan ka na ba o hintayin mo na lang na makadaan o makalabas siya. E ako nga ay nagmamadali, ayon, sumugod ako sa likod nung truck, muntikan nakong maatrasan, nagmala flash ako at tumalon. As in nung dadaan ako, biglang urong yung truck, tumalon ako don sa pataas ng konti na semento at nagtatakbo para di ako maipit. Tapos tsaka pa sumigaw si koya ng "sandali lang!" at pinukpok yung likod ng trak. Nahuli siya ng reaction, dire diretso ako kasi akala ko talaga maiipit na ako. Lumingon ako muli kasi nasa isip ko, baka kaluluwa ko na yung naglalakad at yung totoo kong katawan ay nakaipit sa likod ng trak - duguan at patay. Wahahahaha. Kahit dire diretso ako, nung mejj malayo na ako, tumigil ako saglit at nilingon muli yung nilalabasan ng truck, tinitingnan ko kung may nagkakagulo na at nagpapanic kasi sa naipit kong katawan. Tsaka lang ako nakahinga ng maayos nung may nakatingin na sa akin, alam ko na nakikita nila ako, therefore, di ako kaluluwa at buhay pa talaga ako. Nagmala-flash talaga ako para maiwasan yung umuurong na trak. WAHHAHAHAHAHA.

Comments

Popular posts from this blog

Day by day, I am becoming convinced that we are living in the future.

Book Review: Past Heaven by Laura Ward