The Living Proof
It was a whirlwind of thoughts on how out of the ordinary yesterday was and how we welcome this day. Sabi ni Duque, i-blog ko daw ito. Siguro e lasing pa siya ‘non kasi naghahanap pa siya ng Empi ‘nung sinabi niya na “Carol, i-blog mo ito.” Pero lasing man o hindi, ib-blog ko ang nanyare with that almost 24 hours.
So. To make the long story short…
Pumunta kami ng Lobo. Ang paalam ko e sa Mabini kasi naman, hindi ako papayagan sa Lobo like haaay. (Kung nababasa mo ito, ate. Atin atin lang ito. Alam ko namang mahal mo ako kaya intindihin mo na lang. Salamat. :*) Anyway. Simula pa lang, alam kong hindi kami magiging friends ni “Twist and Turns Road on the Way to Lobo”. Nang makaraos sa nakakaliyong daan, huminto kami sa plaza ng Lobo, naghintay ‘nung financer sa pagkain na the best na taga Talahib Pandayan na malayo pa pala so umuna na kami, naiwan ‘yung iba kong kaibigan para tuluyang maghintay, naghanap kami ng resort ‘don sa Malabrigo, nakakita ng may 50 pesos na entrance at 1500 na kubo, naaamaze sa ganda ng dagat, nakipagdeal sa mababaet na may ari ng resort, nagbaba ng gamit, naghintay sa kanila, umupo sa may dalampasigan, nanuod ng sunset (<3), lumangoy na ‘yung iba, nagsaing kami ni Jen, naghintay sa ibang kaibigan na namili, nainip, nag worry, dumating sila, nag cooking galore na, nalangoy ‘yung iba, nagpicturan, naghihintay ng pagkain, nag-hain, pinagpaalam ‘yung isa naming kaibigan mula sa nakakatakot niyang ina, ang ganda ng stars sa may dagat *_*, nag BONFIREEEE! And the real fun starts here…
Siyempre, one of the highlight ay ‘yung bonfire namin, bale mga alas-10 na ata kami nakapagpaalab ng apoy. Another first! Ganun pala talaga ang feeling kapag nakaharap ka sa bonfire, mainit (ay, bobo) pero nakaka amaze kung gaano nililiwanagan ang mga mukha namin ng apoy na ito at patuloy na you know, nagpapamelt sa marshmallows. Hindi ko alam kung paano ko exaclty maidedescribe ang pagkabano at pagkahumaling ko sa bonfire na ‘yon. Siguro ganito nga ata ang feeling ng first time. O kaya naman dahil…..(nevermind). After the bonfire, pumasok na ulit kami at sisimulan na sana mag “TOSH” e nagsuggest silang lumangoy muna daw saglit (kahit pinagbawalan akong lumangoy kapag gabi at hindi ako marunong lumangoy, e ano naman ang mangyayari sa buhay ko?) at sige, gora lang. After ‘non, banlaw at inuman session na. Hindi ko alam talaga ang tatag na meron si YNAH (mentor e, mentor) sa lakas niya at dami niyang alam sa alak. So ang binili lang ni Breastfriend ay isang litrong empi at isang tanduay rhum (it;s hard men, really hard). Pinaghalo ni Ynah ang rum at coke at ‘yun ang inubos naming apat habang ‘yung iba, empi ‘yung tinitira -___-. Ang sakit po sa tiyan. Nang maubos na naming apat ang rhum (mga mapupungay ang mata) e nakijoin na kami sa iba tapos ayun. ang daming nangyare, it’s as if everything happens in a blur. Alas dos natapos ang inuman at iyakan at kwentuhan at harutan at tawanan at inuman. Nagsi tulugan na ‘yung iba at kaming apat (Ynah, Duque, Ako at Gelli) ang natirang gising. Dito ‘yung part na sinabi ni Duque na iblog ko daw ‘toh. Dito ‘yung part na nahingi pa siya ng empi kahit lasing na. Dito ‘yung part na hindi na namin alam kung saan napapunta ang kwentuhan (I will not go into details). Naghintay kami ng 5 am para makapaglangoy na ulit at ang linis linis, ang linaw linaw ng tubigggg! GRABE. Seryoso. Para siyang nasa pool lang. Amazing talaga si Lord.
Umalis kami ng resort ng mga alas-7. Nagpasalamat sa may ari ng resort. Gumora na, sumakay ng trike hanggang bayan ng Lobo at sumakay na ‘don ng jeep. At heto na ang simula ng tiis at pasakit sa buhay ng hindi natulog at may inom. Hello again, “Twist and Turns Road on the Way to Lobo”. Nagpainit kami ng tiyan sa may terminal, kain kain din ng mami. Namnam. :3
Another experience na hindi ko malilimutan. Oo, walang pictures pero hindi pa rin naman sapat ang mga litrato para iparating kung gaanong kasayang experience na naman ang nangyare with them - Jenica na nalate sa appointment niya. Hanga talaga ako sa pamangkin kong areh, like fuhrealz. Sensya na kung nalate ka sa meeting mo pero masaya naman diga? Masaya ka. Kay Breastfriend na Donya at forever my breastfriend, forever’s not enough, breastfriend. The best ka talaga. I love you ha! Kay Ynah na lahat ay kayang gawin matuloy lang ang lahat at lahat ay gagawin talaga din namin para magawa niya ang lahat para matuloy lang ‘yung outing. Susko, I can’t imagine happenings like that without Ynah. Kay Nico na naging tagabit bit, taga tawa and everything ko, ang bait bait talaga niyaaa~ Ano, tama ka sa pagpili mong sumama samin? xD Thanks, Nicoco, yer the best! HAHAHAHA. Kay Risha na umiyak na naman kay Godfrey-ng shungang shunga. Pero recorded lahat ng sinabi namin, kapag wala pa rin sa kanya lahat lahat ng sinabi namin sa kanya at hindi pa rin siya nakamove on, ay siya, kaarte niya talaga. Charot. Kay Mandane na*huhuhu* sagot ang lahat ng food *huhuhuhu* Thanks.Ang yaman mo. At kay……. nakakatamad nang mag enumerate. Labing apat kami. Masaya. Masaya talagang kasama sila. Subok na, maaasahan at sana maulit ito. Next time, kompleto na at makakasama na ‘yung iba kasi nakakapanghinayang, gusto kong maranasan din nila ito.
Salita lang talaga ang kaya kong gawing living proof ‘don sa nangyaring outing. Living proof din ‘toh kung gaano kaming lahat naging masaya at naging mga totoo sa isa’t isa at mas nakilala ang bawat isa. Ajujujuju. Next time ulit. I always look forward spending more time with you guys. Memories. Yes. Memories ang meron tayo kahit wala tayong picture na magkakasama. Hindi masyadong nakapagpicture kasi masyado tayong naging busy para maging masaya. Ano ngang tawag sa atin ayon kay Marie? Tropang pers na baon. HAHAHAHAHA.
Comments
Post a Comment