Sorpresa

Sabi mo kapag umulan, may sorpresa ka. Pero nakalipas na ang unang ulan ng summer e hindi ka pa rin nagpapakita. Wari ba’y nakalimutan ang pangakong sa aki’y magpapasaya. Pero naintindihan ko naman kasi nakita kita sa bookstore na madalas nating tambayan. May hawak ka pang kape habang nakikipaglokohan ‘don sa mukhang librarian. Pero pinakilala mo at siya pala ‘yung kinukwento mong crush mo sa akin. Kaya ang sagot ko sa kanya ‘nung nakipagkamay sya ay : “I heard a lot of things about you!”(O, ingles pa ‘yon wala siya) Naiintindihan ko kasi gusto ko lagi kang nakikitang masaya. E siguro ‘nung unang ulan ng summer ay kasama mo siya. Kaya ‘yung sorpresa mo ay wala nang halaga. Akala ko ay ‘yung porselas na nakita ko sa bulsa mo ‘nung magkasama tayo ang isosorpresa mo sa akin. E ang nangyari, nakita ko nang suot ‘nung crush mo na ‘yun. Kaya ekis ka porselas. Ekis ako na masyadong assuming pagdating sa’yo. Pero hindi mo alam kung gaano halos napunit ang puso ko. Kasi bukod sa nakalimutan mo na ‘yung sorpresa mo e nagandahan pa ako sa porselas na bigay mo. Kaya umalis na ako sa bookstore na tambayan natin. Hindi na ako nagpaalam kasi baka nakikipag landian ka pa. Gusto ko man magalit sa’yo kasi nasaktan ako. Aba e ang lakas naman ng loob kong gawin ‘yon e wala namang tayo.

Naglakad lakad na lang ako ‘don sa may swing. Naalala ko pa ‘nung nagkwekwentuhan tayo dito. Hindi ko na alam kung saan na tayo nakarating. Naisip ko na ayos lang pala talagang maligaw, na kaysarap maligaw sa ating kwentuhan. Pero eto ako ngayon, mag isa, paker. Hanggang sa umulan na nga, natulo na din ata ang aking luha kasi yung sorpresang sinabi mo, naaalala ko. Paker. Pero emo ako ngayon kaya hindi ko feel magpayong at tumayo. Nagswing na lang ako at humarap sa langit at inisip paano kaya kung nandito ka sa tabi ko na nagsiswing din. Siguro, masaya ‘yon. Naimagine ko, ayun, napangiti ako. Ganun talaga kapag baliw. ‘Yung tao na ngang ‘yon ang nagpapalungkot sa akin pero siya pa rin ang nagguguhit ng ngiti sa aking labi. Paker.

Hindi ko napansin, patila na pala. At hindi ko napansin, nakatitig ka na pala sa akin mula sa tabi ko. Napataas ang kilay ko, hinahanap ko ‘yung crush mo na mukhang librarian (-_-). Pero nakangiti ka at may inabot, tinanong ko kung ano ‘yon. Umiling ka lang at sinabi mo na ito na ang sorpresa mo at humingi ka ng pasensya kasi tulog ka ‘nung unang umulan kaya hinintay na lang ang sunod na ulan. Tinanggap ko ito. Binuksan ko, at hinanglit mo. Sabi mo, ikaw na ang magbabasa. Pero pinigilan kita kasi hindi ko mapigilan, tinanong ko kung nasan ang crush mong mukhang librarian. Kumunot muli ang noo mo. Ang sabi mo ay iniwan mo siya, inabot mo lang yung porselas na nagpatak nung dumaan siya nung isang linggo, nagkakwentuhan lang nang konti nang nakita mong wala na ako. Sinundan mo ako at nakitang nagdadrama. Kaya tamang chempo ang sorpresa mong tula. 

Binasa mo at napaibig mo na naman ako. Kahit hindi ko sigurado kung ano tayo. Pero may salitang pag ibig sa dulo, sa tula mo ay nakuha mo na naman ang kiliti ko. On cue, lumuhod ka sa tapat ko. Sabi mo wala kang fireworks at tsokolateng maaaring maibigay sa ngayon. Tapos tinanong mo na sa akin ang matagal ko nang hinihintay na tanong. Sa totoo lang, sapat na sa akin ang limpak limpak na salita mo, ang pagsasama natin ng matagal na panahon, ang ulan at effort mo - para mapasagot mo ako ng OO. ;)

Comments

Popular posts from this blog

Day by day, I am becoming convinced that we are living in the future.

Book Review: Past Heaven by Laura Ward