Nais ko lang iparating sa’yo,
iba ang mapanghusga sa matalino.
Maaaring nagamit ka ng utak sa pag iisip sa paggawa ng dalwa
pero wala itong kwenta kung walang puso at hindi kompleto ang diwa.

Puro mata, puro mata
tingin ka ng tingin, walang maisip kung ‘di kritiko.
Hindi mo na napapansin, may nayayapakan ka ng tao.
At dada ka nang dada, hindi pala totoo.

Siguro nga’y boses ay maganda,
mataas nga ang marka
pero wala nang naisip kung ;di mang husga.
Nasayang ang baon,
o taong walang puso. 

Kaya nga di ba,
iba ang mapanghusga sa matalino.
May nagawa ka na ba?
May napatunayan ka na ba?

Comments

Popular posts from this blog

Day by day, I am becoming convinced that we are living in the future.

Book Review: Past Heaven by Laura Ward