Lumipas ang ilang araw,
naramdaman kong parang may kulang.
Hindi ko na matikman ang todong saya
dala ng sulat at ginintuang salita.
Sa pagsuot ko ng puting uniporme,
biglang tumigil ang musika at mga pantig.
Biglang babaw ng tuwa’t tawa,
malapit nang bitawan ang mga bampira at dragon sa diwa.
Hinay hinay muna sa nais likhain,
kailangang mag-igi sa sayantipikong gawain,
pati sa paniniwala, alisin ang mahika at itim na pusa
dahil ang kailangan ay rasyunal na isip at objektibong paniniwala.

Comments

Popular posts from this blog

Day by day, I am becoming convinced that we are living in the future.

Book Review: Past Heaven by Laura Ward