May isang bolero,
nakasakay sa sasakyan niyang Montero.
Siya’y may misyon,
ang mapasagot ang babaeng
matagal nang ginugusto.

Ngunit hindi siya naisin
ng babaeng kanyang minimithi
hanggang sa hindi na niya kipitin
ang bolang teknik niya para
sa sanang “Oo” na matagal nang mithiin.

Kaya bumaba na nga sa kanyang sasakyan,
dala dala ang tsokolateng alam niyang paborito ng dilag.
Kipit na niya ay hindi bola,
kung’di makapal na sobreng naglalaman ng saloobin niya.

Ang sobreng kipit ay ang  totoo niyang damdamin,
ang bumubulaklak na niyang paghanga
sa babaeng nagpatibok at kumurot sa puso niya
at handa na niyang lisanin ang bolang nakasanayan
para sigurado nang sagutin siya
ng babaeng ilang taon na niyang nililigawan.

Comments

Popular posts from this blog

Day by day, I am becoming convinced that we are living in the future.

Book Review: Past Heaven by Laura Ward